Namigay ng relief goods, sign na dapat kumandidato sa totoong buhay
- Socrates Magnus
- Mar 30, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Jasmin na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Napanaginipan ko na namimigay ako ng relief goods, pero puro gulay. Sa totoong buhay, may namigay ng relief goods dito sa lugar namin, pero hindi lahat ay nabigyan. Meron kaming natanggap, pero ‘yung ibang kapitbahay namin sa looban ay wala.
May koneksiyon ba ito sa panaginip ko tungkol sa relief goods na gulay?
Naghihintay,
Jasmin
Sa iyo Jasmin,
Oo, iha, may koneksiyon ang panaginip mo sa pamimigay ng relief goods sa lugar ninyo dahil ang gulay sa panaginip mo ay relief goods din. Nabigyan naman kayo ng relief goods, pero makikitang hindi ka kuntento sa nangyayari sa inyo dahil hindi lahat ay nakatanggap nito.
Karaniwan itong nangyayari sa ating bansa kung saan hindi lahat ay nakatatanggap ng mga tulong na ipinamimigay ng mga awtoridad. Ang hindi pangkaraniwan ay ‘yung tulad mo na napapanaginipan ang mga bagay na may kaugnayan sa tunay na mga kaganapan.
Ito ay nagsasabing, sa totoo lang, mas nakahihigit ang isipan mo kaysa sa mga namumuno sa inyo, kumbaga, ang mga ideya mo ay hindi nila naiisip dahil sila ay mga pangkaraniwang nilalang.
Ang sabi ng iyong panaginip, magandang gulay ang ipamigay kaysa sa pangkaraniwang laman ng relief packs. Kaya mas maganda imungkahi mo na gulay ang ipamigay sa mga tao nang sa gayun ay makakain sila ng masustansiyang pagkain.
May isa pang makikita sa panaginip mo at ito ay ang maaaring kang kumandidato sa susunod na eleksiyon at ang sabi ng iyong panaginip, mas malamang na ikaw ang manalo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments