Rapid test: Pacman negative sa COVID-19, pamilya naka-quarantine
- MC
- Mar 28, 2020
- 1 min read

Ibinunyag ni 8th division world boxing champion Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na matapos ang Senate session noong Marso 23 ay nag-self quarantine na siya ayon sa protocol ng gobyerno.
Dahil diyan ay agad din siyang nagpa-COVID-19 rapid test na idinonate sa kanya ng isang kaibigan mula sa South Korea at lumabas na negatibo siya sa coronavirus.
Naunang nanawagan noong nakaraang Linggo si ‘Pacman’ sa lahat ng pag-asa at dasal para sa buong bansa habang patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa nakamamatay na COVID-19 virus. Naging aktibo pa siya sa pamamahagi ng mga donasyon.
Pero noong Biyernes, siya at ang kanyang pamilya ay inatasan na ng Makati City village kung saan sila naninirahan na magpa-self quarantine na.
Ayon kay Dasmarinas Village barangay captain Rossana Hwang sa isang official letter niya na marami na sa mga kasamahang senador ni Pacman ang tinamaan ng coronavirus kaya dapat na rin itong mag-self-quarantine kasama ang buo niyang pamilya.
May kumalat kasing viral video nina Pacman at Senador Koko Pimentel III na positibo sa COVID-19 ang magkasama sa isang okasyon. Kaya naman nakiusap ang buong barangay nila sa Makati na ‘stay-at-home’ na ito at kinokonsidera na kasi silang Persons Under Monitoring o PUM.
Rekomendado rin ito ng mga doktor ng Makati Medical Center at Makati Health Department. “Please be a model example,” dagdag na pakiusap ni Hwang na lumabas sa ABS-CBN news.
Ayon naman kay Jake Joson, ang special assistant ni Pacman, naka-self-quarantine na ang pamilya bago pa man natanggap ang liham ng barangay.





Comments