Donasyon ni Ma na 57-K COVID-19 testing kits “Unahin ang mahihirap” - Pacman
- MC
- Mar 27, 2020
- 1 min read

Nanggaling kay Alibaba founder at Chinese billionaire Jack Ma ang donasyong 57,000 na COVID-19 testing kits at ito ay pormal nang nai-turn over ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa Dept. of Health.
Ayon kay Pacman, ang P400-M na halaga ng testing kits ay ipinaabot ni Ma sa MP foundation upang makatulong sa madaliang pagsusuri ng Pilipinas para masawata ang coronavirus.
Inihatid ang testing kits sa DOH main office sa Sta. Cruz, Manila at nakatakdang ipamahagi sa San Lazaro Hospital at Philippine General Hospital.
“Kailangan talagang kumilos tayo para makatulong tayo sa bansa at sa ating mga mamamayan, lalong-lalo na sa ating mga mahihirap. Batid ko kung paano ang maging mahirap kaya gumagawa tayo ng paraan para makatulong sa kanila. I will be asking DOH to prioritize the poor in administering these test kits, “ saad ni Pacman.





Comments