Mga dapat gawin sa pagkakaroon ng ideal weight
- Lolet Abania
- Mar 25, 2020
- 2 min read

Kapag tag-init, madalas ay ayaw na ayaw nating lumabas ng bahay dahil nakakaitim ng balat at nakakasira ng kutis. At dahil naka-quarantine ang lahat, gusto natin na kumain nang kumain nakakalimutan ang diet kaya ang nauuwi ito paglaki ng ating katawan. Pero alam niyo bang hindi maganda sa kalusugan ang obesity o sobrang pagtaba?
Heto ang ilang tips para mapanatiling ang malusog at magandang timbang:
LIMITAHAN ANG DAMI NG PAGKAIN. Madalas, iniisip natin na kapag mataba ay malusog na. Pero alam n’yo ba na ang pagtaba ay nakaaapekto sa ating puso at hindi magandang magkaroon ng taba ang ating heart? Dahil dito, bawasan natin ang pagkain nang marami para makontrol ang calorie na galing dito. Dapat ay tamang dami lang ng kanin at ulam tulad ng isda at itlog, gayundin kumain ng mabeberdeng gulay at prutas.
KUMAIN NG MASUSTANSIYANG MERYENDA. Kung ikaw ay payat at kulang sa timbang, kailangan mong magmeryenda para madagdagan ang iyong weight. Ang sobrang payat ay nakaapekto sa ating immune system dahil kapag malnourished o kulang sa timbang, madaling manghina ang iyong katawan. Kumain ng tinapay at sabayan ito ng juices, gawin mo ito kahit in-between ng agahan at tanghalian o kaya sa pagitan ng lunch at dinner.
MAGING AKTIBO PHYSICALLY. Mabuti ang init ng araw sa umaga kaya sabayan mo ito ng exercise. Ugaliin mong mag-jogging nang maaga kahit nasa garahe lang o sa labas ng inyong gate, gayundin mag-inhale at exhale para makasagap ng sariwang hangin dahil makabubuti ito sa lungs. Hindi rin mabuti ang matinding ehersisyo dahil sobrang mapapagod ang katawan at manghihina ito. Subukang mag-aerobics ng 150 minutes o dalawang oras kada araw dahil mabuti ito sa pagkakaroon ng muscle. Ngunit kung nagsisimula ka pa lang, gawin ito nang paunti-unti o kalahating oras kada araw.
DUMALAW SA DOKTOR. Maganda ring kumonsulta sa doktor, subalit mas mainam sa ngayon na tumawag na lamang sa kanya kung sa tingin mo ay walang pagbabago sa iyong weight. Siya ang magbibigay ng tamang payo kung kailangang magbawas o magdagdag ng iyong timbang.
Lagi nating isipin na mahalaga ang kalusugan ng ating katawan, lalo na ngayon na ito lamang ang ating panlaban sa kumakalat na epidemya. Kapag maganda ang ating timbang, mayroon tayong maayos na pangangatawan. Gets mo?




Comments