top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Malabo na ang top NBA players sa Olympics 2021

  • MC
  • Mar 25, 2020
  • 1 min read

Matapos opisyal na inanunsiyo kagabi na postponed na ang 2020 Tokyo Olympics at iniatras ang petsa sa 2021 ay agad nagpahayag ang NBA na wala nang top players ang lalaro para katawanin ang U.S. team.

Bunga na rin ng suspensiyon ng NBA games ngayong season dahil sa coronavirus outbreak ay wala halos makapag-ensayo nang husto sa normal na paraan tulad ng pagsalang sa regular na laro ng players.

Isa pang balakid, nasa edad na rin ang top players tulad nina Chris Paul na 36-anyos na, Stephen Curry na 33, sina James Harden at Russell Westbrook ay 32 na sa 2021. Habang si Kevin Durant ay 33.

Marami naman sa best young players ng liga ang mas bata pa tulad nina Zion Williams, Ja Morant, Trae Young, De’ Aaron Fox at iba pa na kasama sa 44-man roster. Kung hindi makalalaro ang mga beterano, ang mas batang players ang kakatawan para sa Team USA.

Kaya naman 12 player sa grupo ang isasalang sa tryouts sa Hunyo o Hulyo para maging kapalit ng mga top players.

Interesado sa puntong ito si LeBron James na bagama't 36-anyos ay 2-time Olympic gold medalist maging si Curry na nais makalaro sa Olympics.

Kung makapagpalakas na muli ng katawan si 2-time gold medalist Kevin Durant dahil may coronavirus ito sa ngayon ay handa itong lumaro sa 2021. Interesado ring maglaro si Kyrie Irving, ang 2016 gold medalist.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page