‘Di lang basta masarap, marami pang benepisyo... Mangga, pampalakas ng atay at pampaganda ng daloy n
- Govinda Jeremaya
- Mar 25, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“They say, life is sweet and sour,” kaya nasa mangga ang larawan ng buhay ng maraming Pinoy.
Ang mangga ay maaaring maasim o matamis, pero ito ay may napakaraming health benefits.
Narito ang mga nutritional facts ng mangga.
Ayon sa mga dalubhasa, ang regular-sized mango ay nagtataglay ng:
99 calories.
1.35g protein
0.63g fat
24.7g carbohydrate
22.5g sugar
2.64g fiber
Gayundin, ito rin ay magandang source ng Vitamins and minerals at ito naman ang porsiyento ng nutrients na kailangang makonsumo ng tao araw-araw:
Vitamin C - 66.78% para sa kalalakihan at 80.13% sa kababaihan
Vitamin A - 9.9% sa kalalakihan at 12.73% sa kababaihan
Folate - 17.75%
Vitamin B-6 - 15.08%
Vitamin K - 5.77% kalalakihan at 7.7% sa kababaihan
Potassium - 5.89%
Narito ang iba pang benipisyo ng mangga sa ating katawan:
Maganda itong panlaban sa cancer cells
May kakayahan itong pababain ang blood pressure
Malaki ang tulong ng mangga sa mga may sakit sa puso at mga hindi natunawan
Nagpapaganda ng kutis
May kakayahan din itong labanan ng paglitaw ng mga taghiyawat
Tinutunaw ang ang mga cyst at bukok sa katawan
Nagpapalakas ng atay
Nagpapaganda ng daloy ng dugo sa buong katawan
Nagpapalakas ng kidney
Naglilinis ng respiratory system
Hindi nakapagtataka kung bakit ang mangga ay isa sa pinakasikat na prutas sa mga Pinoy dahil sa bukod sa masarap ay marami pa itong health benefits.
Dagdag kaalaman: Sa panahon ngayon, sobrang dami ng mangga, puwedeng gumawa ng mitanamis na mangga. Kumuha ng ilang piraso ng mangga, balatan at hiwain saka pakuluan sa asukal. Ilagay sa malinis na bote at muling pakuluan sa mahinang apoy ang mismong bote na may lamang mangga. Itago ito at kainin kapag hindi na panahon ng mangga. Good luck!




Comments