top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DLSU Green Archers, CSB Blazers nagpahiram ng gymnasium para sa mga walang tahanan

  • VA
  • Mar 24, 2020
  • 1 min read

Sa gitna ng krisis na kinakaharap, ang De La Salle University Enrique Razon Sports Complex at ang DLSU St. Benilde na training facilities para sa sports teams ng UAAP events ay ginawa munang venue para sa mga walang bahay upang maging quarantine area ng mga nakatira sa lansangan.

Maging ang Arnold Janssen Kalinga Center ay kanila na ring pinatuluyan para sa mga walang tirahan upang mapairal lamang ang enhanced community quarantine at masigurong ligtas sa coronavirus ang mga taong kalye.

“The AJ Kalinga Center is serving the homeless regularly. Their main ministry is providing food and free showers for the homeless," ayon kay DLSU vice president for LaSallian mission Fritzie De Vera. Nakahanda rin ang kanilang tanggapan sa mga donasyong pagkain at iba pang maaaring maipagkaloob sa mga nangangailangan doon.

Samantala, mula naman sa dormitory ng Adamson Lady Falcons softball team kung saan na-stranded ang maraming mga atleta ay nagsagawa sila ng pag-eempake ng mga grocery items upang maipamahagi sa mga kapos sa pambili ng pagkain habang naka-quarantine.

“Sa part namin, kahit small things na puwede kaming makatulong sa mga pamilya rito sa Metro Manila na nangangailangan lalo na sa panahong ito na kailangan natin ang isa’t isa,” ayon kay Adamson head coach Ana Santiago.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page