top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Igan Arnold, inupakan ang mga papoging pulitikong ikinumpara ang sarili sa mga health workers

  • Nitz Miralles
  • Mar 23, 2020
  • 3 min read

Nitz Miralles / Bida

ANGEL, IPINAGSIGAWANG ‘DI TUMATANGGAP NG DONASYONG LUMANG KAMA PARA SA MGA HEALTH WORKERS

May sagot si Angel Locsin sa isang concerned netizen kaugnay ng panawagan nila ng fiancé niyang si Neil Arce at ng La Belle Fete na donation ng taping beds from showbiz people para magamit ng mga frontliners sa ise-setup na sleeping tents nang sa gayun ay may matulugan at mapagpahingahan ang mga health workers.

May nag-comment na ‘wag used taping beds ang hingin nina Angel dahil baka maging daan ‘yun ng infection galing sa hindi malinis na mattress.

Sagot ni Angel, “Before po namin ipagamit, idi-disinfect po muna ang lahat:) 2x a day po:) Hindi po kami tumanggap ng mattress na luma.”

Sa kanyang latest post, nabanggit ni Angel na second day na ng #HealTheWorld charity project nila at patuloy silang nananawagan ng magdo-donate ng taping beds.

Dahil sa ginagawang ito ng engaged couple, tinawag silang “heroes” ng mga netizens. Wala raw inuurungan si Angel at ang payo sa kanila ni Neil ay mag-ingat, laging magsuot ng face mask.

***

Nagsimula na kagabi ang re-airing ng My Husband’s Lover na pansamantalang ipinalit ng GMA-7 sa Love of My Life. Marami ang hindi nakapanood ng first gay-themed teleserye ng bansa na unang umere noong 2013 at ito na ang chance ninyo na makilala sina Eric del Mundo (Dennis Trillo), Lally Agatep-Soriano (Carla Abellana) at Vincent Soriano (Tom Rodriguez).

Ang team nina Director Dominic Zapata at writer na si Suzette Doctolero at ibang writers ng Kapuso Network ang nag-team-up sa My Husband’s Lover na sana sa re-airing, ipakita nang buo ang ending.

Hindi namin sasabihin ang ending para walang spoiler.

Kaya lang, parang hindi aabot sa ending ang airing ng My Husband’s Lover sa sagot ni Carla sa nagtanong kung tatapusin ba ng GMA-7 ang pagpapalabas nito. Sumagot kasi si Carla ng “Kung tatapusin po ng GMA, hindi na po makakabalik ang Love of My Life.”

Nang si Tom naman ang tinanong kung hanggang ending ba ipapalabas ang My Husband’s Lover, “‘Di ko din po sure, eh” ang sagot nito.

Sa mga namomroblema na baka hindi tapusin ng GMA-7 ang airing ng My Husband’s Lover, may nagpayo na mapapanood ang teleserye sa YT channel ng network at kumpleto ang episode.

Inamin ni Tom na malaki ang nagawa ng teleserye sa kanya, lalo na at that time, bagong lipat siya sa Kapuso Network at may mga nagdududa pa sa kakayahan niya. Pero na-prove niya sa My Husband’s Lover na hindi lang siya guwapo, nakakaarte pa at marami siyang pinaiyak dito at sa Love of My Life.

***

IGAN ARNOLD, INUPAKAN ANG MGA PAPOGING PULITIKONG IKINUMPARA ANG SARILI SA MGA HEALTH WORKERS

Inupakan ni Arnold Clavio ang mga pulitikong nag-post ng photo nilang nakasuot ng face mask at may hawak na Manila paper at nakasulat ang “Together with Doctors and Frontliners, we went to work for you, so please stay home for us.”

Reaction ni Arnold: “Hindi pa tayo nahihimasmasan sa mga pulitikong inagawan pa ang ibang PUIs at PUMs sa Covid-19 test sa RITM, eto na naman ang mga hinayupak at ikinumpara pa ang kanilang mga sarili sa mga frontliners. Patawarin kayo ng mamamayang Pilipino at tila ginagawa ninyong circus ang lahat.

“Marami ang nangangailangan ng tulong sa inyong mga distrito. PLEASE GO HOME! AND HELP THEM!”

Sana, basahin ng mga kongresista at lahat ng pulitiko ang mga comments sa post na ito ni Arnold sa Instagram (IG) para malaman na walang natuwa sa kanilang ginawa. Lahat ay galit at masasakit na salita ang naging reaction ng mga netizens at tinawag pa sila ng kung anu-ano.

May nag-request kay Arnold na pangalanan ang mga pulitikong naka-face mask sa

litrato at ‘yung may mga hawak ng Manila paper na hindi pa ginagawa ni Arnold.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page