Habang nasa enhanced community quarantine... Balik-alindog at pagtutok sa skin care routine, oks gaw
- Jersy L. Sanchez
- Mar 22, 2020
- 2 min read

For sure, bored na bored na kayo sa inyong mga tahanan dahil sa Luzon-wide community quarantine. ‘Yung iba r’yan, halos maubos na ‘yung T.V. series sa internet, gayundin, merong mga na-adik sa mga games at social media app at meron ding nagtatrabaho pa rin sa bahay.
Gayunman, kung feeling ninyo ay ito lang puwede ninyong gawin sa buong enhanced community quarantine period, nagkakamali kayo dahil narito na ang ilang ilang paraan para maging produktibo ang inyong araw kahit nasa bahay:
BASAHIN ANG NAIPON NA LIBRO. Naalala mo pa ba ‘yung mga libro na binili mo kahit hindi mo alam kung kailan mo mababasa ang mga ito? Well, it’s time para ilabas ang mga ito sa iyong book shelf at simulang basahin. Yes, beshy, tama na muna angn pagbi-binge watch sa K-Drama o T.V. series dahil ‘ika nga, mas marami tayong matutunan sa pagbabasa, kaya, alam mo na, ha?
SIMULAN ANG NAUDLOT NA PASSION. Pagsusulat ng poetry, artwork, blogging, pagluluto, etc.? Simulan na ‘yan! ‘Wag mong sayangin ang katahimikan at libreng oras mo dahil for sure, sa haba ng panahong natitira, magagawa mo ang mga bagay na ito. Pass muna sa travel, ha? Bawal pa, eh. Hi-hi-hi!
BALIK-ALINDOG. Naku, besh, ‘wag mong hayaan maubos ang stocks ninyo sa bahay dahil lang bored ka maghapon o nagutom ka dahil sa kain-tulog routine mo. Ang mabuti pa, kapag na-bored ka, mag-exercise ka para naman natanggal na ang boredom mo, natupad pa ang isa sa New Year’s Resolution mo. Ayos ba?
TUTUKAN ANG SKIN CARE ROUTINE. Isa ito sa mga bagay na hindi natin nagagawa kapag sobrang busy tayo dahil madalas, pagkagaling sa trabaho o iskul, magpapahinga na tayo. Agree? Well, it’s time para bumawi sa iyong skin kaya make sure na kukumpletuhin ninyo ang lahat ng steps ng inyong routine para pagkatapos ng month-long quarantine at pagkabalik sa trabaho o iskul, fresh na fresh ka na ulit. Puwede n’yo rin itong gawing bonding ng mga kapatid mo, gayundin, isama mo na ang iyong nanay. Pak, ganern!
BE POSITIVE SA PAG-IIPON. Marahil, marami sa atin ang nalungkot dahil kapag sinabing hindi puwedeng lumabas, hindi rin makakagala. Well, nakaka-sad naman talaga, pero why not focus on the bright side? Since hindi natin kailangang lumabas ng bahay, ibig sabihin, less gastos at kapag less gastos, more ipon! Alam na, mga besh!
MAGPAHINGA. Hindi ba, ten years kang pagod? Joke! Ha-ha-ha! Since marami sa atin ang may work from home arrangement, oks ito para makapaglaan ng oras para makapagpahinga agad after work. Para sa mga estudyante naman, i-take advantage n’yo na ito para marami kayong energy sa pagbalik ninyo sa eskuwela.
Alin sa mga ito ang trip mong gawin? Tiyak na may ideya ka na kaya make sure na ise-share mo ang artikulong ito sa mga kapwa mong “bored to death” para sabay-sabay kayong maging produktibo hindi lang sa panahong ito, kundi sa iba pang mga araw. Stay safe, ka-BULGAR! Gets mo?





Comments