McGregor walang paki sa COVID-19 hinahamon pa si Pacman sa boksing
- Gerard Arce / MC
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Bagama't isa siyang Mixed Martial Arts fighter, hinahamon pa ng Irishman at dating two-weight UFC champion na si Conor McGregor si Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao na magsagupa sila sa isang boxing match na siyang tiyak na aabangan ng maraming fans.
Sa gitna ng pandemic, tila walang pakialam si McGregor na hamunin si Pacman mula nang magtagumpay siya sa kanyang laban noong Enero nang talunin niya si Donald Cerrone sa loob lang ng 40 segundo matapos ang 15 buwan na walang laban sa MMA.
Kahit na nangako si McGregor ng dalawa pang susunod niyang laban sa UFC inaasahan din niyang magkaroon ng match sa boxing.
"I am willing to fight anyone and have proved that time and time again," saad ni McGregor sa Bleacher Report. "I look for a good scrap, and if it isn't going to be that, I have no interest.
Matatandaang natalo ni Floyd Mayweather Jr., si McGregor sa isang boxing match sa bisa ng TKO noong 2017 at nagpahayag siya ng interes na makasagupa si Pacman mula nang lumagda ang Pinoy sa management company ng Irishman.
Postponed naman ang lahat ng nakaiskedyul na UFC fights.





Comments