1 month salary ni Terrence Romeo idinonate sa ospital
- MC
- Mar 20, 2020
- 1 min read

Nagkaloob si dating Globalport forward ng PBA na si Terrence Romeo ng isang buwan niyang suweldo sa mga ospital ng Metro Manila para pambili ng sapat na pagkain at suplay na gamot at iba pang pangangailangan.
Unang nag-donate ang Beermen guard ng mga pagkain, face masks, alcohol at disinfectants sa ospital ng Pasig City at Caloocan City bago pa man simulan ng gobyerno ang pagdeklara ng community quarantine sa buong Pilipinas.
Tatlong ospital pa ang hinahanap ng cager upang mabigyan niya ng tulong dahil nakahanda na ang mga supplies na ido-donate ng player na isa sa may pinakamalaking suweldo sa PBA.
Unang nagkaloob ng tulong sina Alaska coach Jeff Cariaso, CJ Perez, Chris Ross at Cliff Hodge.





Comments