top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Walang atrasan ang World Chess elims sa Russia

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Mar 19, 2020
  • 1 min read

Maraming bahagi sa aspeto ng palakasan sa daigdig ang inatake at tumiklop sa hagupit ng coronavirus (COVID 19) pero buong gilas na tumatakbo ang mga aktibidades sa mundo ng ahedres at isang patunay dito ay ang pagbubukas ng malupit na torneong binansagang International Chess Federation (FIDE) Candidates 2020 sa Yekaterinburg, Russia.

Ang paligsahan, na minsan nang sinalihan ng tubong Cavite at dating Philippine chess king na si GM Wesley So, ay regular na kaganapang umipon sa walong pinakamalulupit na woodpushers sa buong daigdig upang piliin kung sino ang puwedeng humamon sa kasalukuyang hari ng ahedres sa buong daigdig na si Norwegian Super Grandmaster Magnus Carlsen.

Sina GM Fabiano Caruana (USA), GM Ding Liren (China), GM Alexander Grischuk (Russia), GM Ian Nepomniachtchi (Russian), GM Maxime Vachier-Lagrave (France), GM Anish Giri (Netherlands), GM Wang Hao (China) at GM Kirill Alekseenko (Russia) ang mga magrarambulan para makuha ang karapatang makasagupa si Carlsen bukod pa sa malaking bahagi ng kalahating milyong euro na papremyo ng tunggaliang matatapos sa Abril 3.

Sa pambungad na seremonyas sa "Ekaterinburg Expo" Congress Center, sinabi ng FIDE sa pamamagitan ng pangulo nitong si Arkady Dvorkovich na sa kabila ng katotohanang ang paligsahan ay ginaganap sa gitna ng banta ng COVID-19, tinrabaho naman ng punong-abala ang mga dapat gawin upang makasunod sa panuntunan na inilatag ng World Health Organization. Humingi rin siya ng suporta sa komunidad ng chess, media at sa lahat ng mga manonoood.

Kasama rin sa mga panauhin ang 12th world chess champion na si GM Anatoly Karpov at si Mayor Alexander Vysokinsky ng Yekaterinburg.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page