Kahulugan ng hubo‘t hubad sa panaginip
- Socrates Magnus
- Mar 18, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Kimberly na pinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip na walang suot na damit? Lately, palaging ganito ang panaginip ko.
Naghihintay, Kimberly
Sa iyo Kimberly, Gustong lumaya ang nanaginip ng walang anumang damit, as in, hubo’t hubad kaya ito rin ay nagsasabing sa mga araw na ito, napanaginipan niya na siya ay walang kalayaan. Dahil dito, hindi niya magawa ang mga gusto niyang gawin at dahil hindi niya magawa ang gusto niya, siya ay hindi maligaya.
Ang kaligayahan ay mula sa pagiging malaya kaya ang kalungkutan ay mula sa kawalan ng kalayaan. Ang akala ng mga tao, napakahirap magkaroon ng malayang buhay, pero madali lang ito. Simple lang ang dapat magawa at ito ay ang kailangang masabi niya na gusto na niyang lumaya.
Kaya ang payo para sa iyo ay magpasya ka at dapat ngayon na. Magpasya kang lumaya sa tanikala ng kalungkutang bumabalot sa iyong buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo








Comments