Bukod sa pagpupuyat at pag-aalaga... 5 bagay na dapat asahan ng bagong mommies
- Lolet Abania
- Mar 18, 2020
- 3 min read

Alam n’yo ba na sa lahat ng kababaihan, ang nagtataglay ng strong personality ay ang mga nanay? Yes, kasi naman, kayang-kaya nilang mag-multitask, halimbawa, naglalaba habang naglilinis ng banyo, nagluluto habang naghuhugas ng pinggan at iba pa. Siyempre, bago nila nakakayanang gawin ang lahat ng ito, may experiences sila bago naging nanay.
Narito ang mga pagdaraanan at mararanasan ng mga first time mom:
1. PREGNANCY. Sa first 3 months, may pagbabago na agad sa katawan ng mga first time mommy. Unti-unting tumataba at lumalaki ang tummy na parang nakakain ng sobrang dami. Gayundin, nakararamdam ng mabilis na pagtibok ng puso at sinasabing lumalaki ito dahil growing din ang heart ng little one sa kanyang womb. May morning sickness na, ‘yun bang naduduwal sa umaga kahit wala pang kinain at maasim ang isinusuka. Nahihilo, gustong matulog palagi, namimili ng kakainin at may mga ayaw na amoy. Palagi rin silang iritable at ito ang stage ng paglilihi na umaabot minsan ng hanggang siyam na buwan habang nagbubuntis.
2. LABOR AND GIVING BIRTH. After 9 months na preggy at kabuwanan na, nakararamdam sila ng labor pains o sobrang sakit ng likod na parang binubugbog at tiyan na parang nahahati, tinatawag ito na contraction ng mga OB-Gyne o doktor dahil malapit nang lumabas ang baby mula sa kanyang birth canal na kadalasan ay napupunit. Hindi maipaliwanag na sakit sa kalamnan, kasabay nito ang paglabas ng dugo at tubig galing sa maselang bahagi ng katawan saka lalabas ang baby. Minsan, sa haba ng oras ng pagle-labor at nagiging kritikal ang kondisyon ng mag-ina, isini-caesarean agad siya ng mga doktor para maayos ang kanyang panganganak. Natitiis niya lahat ang ganu’ng katinding pakiramdam dahil sa love na meron siya sa kanyang baby.
3. POSTPARTUM RECOVERY. Pagkapanganak, ang one to two weeks stage ay ang postpartum o recovery period. Para sa normal delivery, 2-3 days depende sa kakayahan ng mommy na magrekober agad at sa caesarean ay tumatagal nang 3-4 days. Karamihan sa first time mom ay nakararanas ng postpartum “baby blues” after manganak kung saan may mood swings, umiiyak, may anxiety, walang konsentrasyon at hirap matulog. Natural lang ito, dahil maraming pagbabagong nangyayari at hindi pa bumabalik sa normal ang lahat. Mawawala rin ang ganitong behaviour lalo na kapag kasama ang pamilya, pero kapag lumala ang mood swings, sobra ang pag-iyak, ayaw kumain, nagkakaroon ng insomnia, matinding magalit, nagpa-panic, ayaw makita ang baby at dahil sa abnormalities, nakapag-iisip na mag-suicide, siya ay nakararanas na ng postpartum depression. Tumatagal ito ng ilang buwan na puwedeng humantong sa postpartum psychosis na kapag hindi nagamot ay maaari niyang ikamatay.
4. BREASTFEEDING. Pagkasilang ni baby, lalo kung nanganak sa ospital, ina-advice agad ang pagpapadede sa sanggol. Kinakailangang maipainom kay baby ang unang gatas ng ina na tinatawag na colostrums, ito ay yellowish at sadyang malapot. Napakayaman sa protein, nutrients at antibodies nito na makatutulong sa pagsisimula ng buhay ng sanggol. Kadalasan, pinipiga ang breast ni mommy para lumabas ang gatas mula rito. May iba naman na nahihirapang magpa-breastfeed dahil hindi magkaroon ng milk para ipainom kay baby. Kaya kahit na anong pagkain, gusto man ng panlasa niya o hindi ay kakainin niya basta magkaroon lang ng gatas para ibigay at hindi magutom si baby. Gayundin, umaabot sa halos 1-year-old ang sanggol bago maawat sa pagpapa-breastfeed kung saan may mga tumutubo nang ngipin si baby at nakakakagat na siya, pero tinitiis ang sakit.
5. CARING FOR THE BABY. Habang lumalaki si baby, mas marami na siyang kailangan at si mommy ang unang gumagawa nito. Siya ang nagpapaligo, nagpapalit ng diaper, nagbabantay, nagpapakain at nagpapa-burp, nagpapatulog at iba pa. Dito na nararanasan ni mommy ang mapuyat, mapagod, sumakit ang katawan at kung minsan, nalilipasan na ng gutom dahil inuuna niya si baby. Nakalilimutan din niya ang sarili dahil nakatutok siya sa pag-aalaga nang husto sa kanyang little angel.
Ang mga nanay ay maituturing nating empowered women dahil sa kanilang sakripisyo at taglay na lakas sa mga bagay mula sa pagbubuntis hanggang sa pagpapalaki ng baby. Lahat ay kakayanin nilang gawin para sa ikabubuti ng kanilang anak at pamilya.
Hayan mga momshie, alam n‘yo na, ha? Okie?




Comments