top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Vlogging, temporary ‘sports’ ng atleta sa isolation period

  • Rafaella Garcia
  • Mar 17, 2020
  • 1 min read

Dahil sa pansamantalang kanselasyon ng ilang mga sporting events, sanhi ng coronavirus o COVID-19 na lumalaganap sa buong mundo, posibleng maging abala pa rin ang ilang mga kilalang atleta ng bansa.

Ito ay dahil ang ilan sa kanila ay aktibo hindi lamang sa paglalaro ng kani-kanilang mga napiling sports, kundi, aktibo din ang mga ito sa social media, partikular na sa pagiging Vlogger, o pagsasagawa ng mga videos na may tema tungkol sa iba’t ibang paksa, karamihan dito ay ang kanilang pang-araw-araw na gawi.

Ilan sa mga kilalang athletes Vloggers ay ang basketbolistang si Doug Kramer, na kadalasang kasama sa kanyang mga videos ang kanyang pamilya at kilala sa kanyang vlog page na Team Kramer na mapapanood sa YouTube.

Si Paul Lee ay isa rin sa mga athletes vlogger sa kanyang “Angas ng Tondo” na vlog na nasa YouTube din, habang ang lady volleyball player na si Carmela Tunay ay isa ring vlogger kapag hindi naglalaro ng volleyball.

Isa rin dito ay si Aby Marano sa volleyball pa rin, gayundin si Kim Kianna Dy. Ang pambato ng Barangay Ginebra na si Joe Devance at ang buong koponan ng Team Lakay sa martial arts.

Dahil dito, siguradong hindi maiinip ang kanilang mga tagahanga sa paghihintay kung kailan nila mapapanood ang kanilang mga idolo, gayung sa bisa ng social media ay maaari pa rin silang mapanood.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page