top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sarado ang Olympics London Boxing Qualifiers dahil sa virus

  • MC
  • Mar 17, 2020
  • 1 min read

Hindi nagpapapasok ng mga manonood ang European qualifying event para sa Tokyo Olympic boxing tournament dahil sa coronavirus outbreak, saad ng organizers sa London.

Ang desisyon, ayon na rin sa International Olympic Committee (IOC) boxing task force, ang nag-oorganisa ng event sa Copper Box ng London’s Queen Elizabeth Olympic Park ay dahil na rin sa “concerns for public, athlete and volunteer welfare”.

Napapanood naman ng live ang boxing sa Olympic Channel, na may 53 bouts na nakaiskedyul. Kahapon ang ikalawang araw ng kompetisyon, kung saan ay naroon ang may 342 mga kalalakihan at babaeng boxers mula sa 43 bansa na may 77 Olympic spots.

Ang iba pang qualifier ay nakaiskedyul sa Paris sa Mayo, pero ang nalalabing iskedyul ay hindi pa tiyak dahil lahat ng sports sa kontinente ay kanselado. Ang Tokyo Games ay magsisimula sa Hulyo.

Samantala, iniatras sa Setyembre mula sa unang petsa ng Abril ang Boston Marathon. Postponed ang Abril 20 na pinakaprestihiyosong marathon sa buong mundo ayon sa city mayor doon na kung saan may 30,000 nang rehistradong runners mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, mula professionals, Olympians at amateur runners.

Kanselado rin ang Rome, Paris, Barcelona at Rotterdam marathons maging ang World Half Marathon Championships sa Gdynia, Poland. Ang Tokyo Marathon ay may petsang Marso 1 kung saan elite runners lang ang makasasali. Ang London Marathon ay tuloy pa rin ng Abril 26.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page