Mga aso na 'di naturukan ng anti-rabies at pagala-gala sa kalye, dapat dalhin sa dog pound
- Persida Acosta
- Mar 17, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Mayroong mga asong matagal nang gumagala sa aming lugar. Walang may-ari sa mga ito at sigurado akong walang anti-rabies na naiturok sa mga ito. Nais kong malaman kung may batas ba na kinakailangan silang ilagay sa mga “dog pound” tulad ng mga nasa ibang bansa? - Rico
Dear Rico, Para sa inyong kaalaman, ang Republic Act (R.A) No. 9482 o ang tinatawag na “Anti-Rabies Act of 2007” ang batas na sumasaklaw sa inyong idinudulog, viz:
“Sec. 9. Impounding Field Control and Disposition of Unregistered, Stray and Unvaccinated Dogs. - Unregistered, Stray or unvaccinated dogs shall be put in dog pounds and disposed of, taking into consideration the following guidelines:
(1) Unregistered, Stray or unvaccinated dogs shall be impounded and kept in the LGU’s designated dog pound.
(2) Impounded dogs not claimed after three days from the Dog Pound shall be placed for adoption to qualified persons, with the assistance of an animal welfare NGO, when feasible, or otherwise disposed of in any manner authorized, subject to the pertinent provisions of Republic Act No. 8485, otherwise known as the “Animal Welfare Act of 1998”.
(3) A fee shall be paid by Owners of Impounded Dogs to the LGU concerned, pursuant to Section 7 hereof.”
Samakatwid, malinaw sa nabanggit na batas na kung ang aso ay hindi nakarehistro at matapos nang kaukulang anunsiyo at mapag-alamang walang may-ari at gumagala-gala lamang ito sa kalye o hindi naturukan ng kinakailangang anti-rabies vaccine, nararapat lamang na maipa-impound ang mga ito sa mga maitatalagang “dog pound” ng mga lokal na pamahalaan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments