PBA Awards Night, kanselado
- Rafaella Garcia
- Mar 16, 2020
- 1 min read

Bunga pa rin ng lumalaganap na coronavirus o COVID-19 outbreak, minabuti ng pamunuan ng PBA Press Corps na kanselahin muna ang nakatakda sanang Awards Night, matapos na isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa community quarantine ang Kalakhang Maynila.
Ang nasabing gabi ng parangal ay nakatakda sana ngayong gabi, Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta sa Quezon City, ngunit dahil sa kumakalat na virus ay napagdesisyunan ng mga opisyales nito na iurong na lang sa ibang petsa, para sa kaligtasan ng mga miyembro at mga awardees na rin.
Tampok sana sa nasabing event na ihahatid ng Cignal TV ang pagbibigay ng Virgilio “Baby” Dalupan Coach of the Year Award, kung saan nominado sina coach Leo Austria ng San Miguel at coach Tim Cone ng Barangay Ginebra.





Comments