top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Transient Ischemic Attack o TIA, babala na puwedeng ma-stroke

  • Shane Ludovice
  • Mar 14, 2020
  • 2 min read

Dear Doc. Shane, Namatay dahil sa stroke ang tatay ko sa edad na 56. Ilang linggo pa lang ang nakalipas. Prior to his death, naospital siya nang ilang araw dahil parang na-stroke siya at sabi ng doktor, mag-ingat at inumin ang kanyang gamot dahil kapag naulit pa ito ay baka ikamatay na niya.

Umiinom naman siya ng gamot niya pero minsang nakalimutan niyang uminom ay inatake siya after two months mula nang maospital siya, na-comatose nang ilang araw at namatay din pagkatapos ng apat na araw. Ang sabi ng doktor niya, Transient Ischemic Attack lamang ang tawag nang unang ma-confine siya kaya pinag-ingat siya at inumin ang mga iniresetang gamot. Ano ba ang pagkakaiba nito sa totoong stroke? - Arabiya

Sagot

Iniisip natin na ang Transient Ischemic Attack (TIA) ay tulad ng stroke o cerebrovascular accident. Ito ay warning sign o babala ng isang napipintong stroke at kapag nawala ang mga sintomas ng parang stroke sa loob ng isang araw, ibig sabihin, ang nararanasan ng pasyente ay TIA at hindi stroke.

Ganito ang nangyayari sa TIA, may mga buu-buong piraso ng blood clots na kung tawagin ay “thrombus” na minsan ay nagsi-circulate kasama ng dugo patungo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. At kapag ito mismo ang bumara sa ugat na nagde-deliver ng dugo sa utak, nangyayari ang tinatawag na stroke (CVA thrombosis).

Kung minsan, may mas maliliit na piraso (microemboli) na nari-release mula sa thrombus at ito ay pansamantalang bumabara sa maliliit na ugat sa utak at dahil dito, hindi makadaloy nang mabuti ang dugo lalo na kapag nagkaroon ng spasm sa mga ugat na ito. Kaya ang pasyente ay nakararamdam ng sintomas ng stroke. Ang neurologic deficit ng TIA ay pansamantala lamang, pagkatapos ng atake, sa loob lamang ng 24-oras, bumabalik na sa normal ang kondisyon ng pasyente.

Huwag ipagsawalam-bahala ang TIA. Bagama’t, ang isang tao ay naka-recover na rito, hindi ibig sabihin nito ay hindi ka na magkaka-stroke. Katunayan, 50 hanggang 75 porsiyento ng pasyente na nagkaka-stroke ay may kasaysayan ng TIA. Kaya mag-ingat, lalo na sa kalalakihang edad 50 pataas. Ang layunin sa paggamot ng TIA ay para iwasan ang episode ng “totoong stroke”, kaya ang pasyente ay binibigyan ng anticoagulant para maiwasan ang pagbuo ng thrombus o clot sa sirkulasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page