top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Orcullo, De Luna at Kiamco, mainit din sa Nevada Open

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Mar 14, 2020
  • 1 min read

Patuloy ang nagbabagang kampanya para sa Pilipinas nina Carlo “Black Tiger” Biado at Zorren James “Dodong Diamond” Aranas sa malupit na 2020 Diamond Las Vegas Open sa Rio Hotel Casino ng Las Vegas, Nevada. Inilampaso ni Biado, naghari sa World 9-Ball Championships at ng World Games noong 2017, si Michael Yednak ng U.S.A sa iskor na 7-1 para manatili sa winners’ bracket. Nauna rito, hindi nakaldag si Biado sa maigting na bakbakan nila ng Amerikanong si Skyler Woodward, 7-6.

Sa kabilang dako, muli na namang nasabak si Aranas sa gitgitang sagupaan pero wagi pa rin ito kontra sa pambato ng Great Britain na si Chris Melling, 7-5. Dala naman ni Aranas ang init ng kanyang pagkakapanalo kamakailan sa Scotty Townsend Memorial 9-Ball Division nang manaig siya kontra kay Rory Hendrickson sa iskor na 7-5. Susunod niyang haharapin ay si Maximillan Lechner mula sa Austria. Nagparamdam na rin si dating World 8-Ball king at 2019 SEA Games 10-Ball champion Dennis “Robocop” Orcullo matapos niyang paluhurin si Ray “The Silent Assassin” Robles ng punong-abala sa iskor na 7-4. Nagmarka na rin sina Jeffrey De Luna at Warren Kiamco dahil pinayukod nila sina Eric Aicinena (7-1) at Rhyan Hunter (7-1) ayon sa pagkakasunud-sunod.

Maliban sa mga papremyong salapi para sa mga magpo-podium, papasok din sa World 10-Ball Championship na sisimulan sa susunod na linggo ang kukuha ng unang dalawang puwesto. Sa ngayon, sa talaan ng mga Pinoy cue artists, sina Biado, De Luna at Johann Chua pa lang ang swak sa World 10-Ball main draw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page