Hindi lahat ng may COVID-19, namamatay, ‘wag OA sa pagpa-panic!
- Pabs Hernandez III
- Mar 14, 2020
- 2 min read
DAHIL MARAMI NA ANG NAKAKA-SURVIVE, INDIKASYON ITONG TINATALO NA NG TAO ANG COVID-19—Bagama’t bad news ang naiuulat na mga namamatay sa Coronavirus Disease, may good news naman dahil base sa data ng Worldometer Statistics, sa 134, 769 kataong tinamaan ng COVID-19 sa iba’t ibang bansa ay 70,387 na ang nakarekober o gumaling at sa nalalabing 59,399 na naka-confine pa ay 53,642 dito ay nasa mabuting kalagayan at 5,757 ang kritikal na bagama’t, nasa maselang kondisyon, sila ay buhay pa at posible ring makarekober.
Ang punto natin dito, huwag mag-panic ang publiko dahil kung pagbabasehan ang dami ng mga naka-survive, malaki ang pag-asa na matatalo ng tao ang deadly virus na ‘yan, amen! **** WHO HEAD, LABAN-BAWI SA COVID-19 —Maaaring ang datos ng Worldometer Statistics na mas maraming nakaka-survive kaysa sa mga namamatay sa COVID-19 ang dahilan kaya naglaban-bawi si World Health Organization (WHO) Director General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesu sa kanyang deklarasyon na “pandemic” na sa mundo ang virus na ito.
Ang sabi kasi niya ngayon ay “controllable pandemic” naman daw ang COVID-19. Ibig sabihin, kaya itong kontrolin o puksain basta magtutulung-tulong ang gobyerno at mamamayan ng bawat bansa na labanan ito, period! **** NASA 5 MILYONG CHINESE ANG POSIBLENG NANGHAWA NG VIRUS SA BUONG MUNDO?—Inamin ni Wuhan City Mayor Zhuo Xiangwang na bago ipatupad noong Enero, 2020 ng China gov’t. ang lockdown sa kanilang lungsod dulot ng COVID-19 ay nagpulasan na palabas ang may 5 milyong residente at nagpuntahan sa iba’t ibang bansa.
‘Yan pala ang dahilan kaya lumaganap ang Coronavirus Disease sa iba’t ibang panig ng mundo, tsk-tsk-tsk! **** MAS UNANG IPINA-LOCKDOWN NI SOTTO ANG SENADO KAYSA IPINA-COMMUNITY QUARANTINE NI P-DUTERTE ANG METRO MANILA—Walang “K” si Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III na sabihang “OA” (overacting) si P-Duterte sa utos nitong i-community quarantine ang Metro Manila dulot ng COVID-19.
Kasi mas una pang iniutos ni Sotto na i-lockdown ang Senado nang magkaroon ng resource person na positive sa COVID-19 kaysa utos ni P-Duterte na i-community quarantine ang Metro Manila, boom!





Comments