top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

POGO, wa' na pakinabang sakit pa ng ulo, tsugihin na!

Imee R. Marcos
Mar 13, 2020
2 min read

Susmaryosep! Kaliwa’t kanan na lang ang problema na idinudulot nitong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Bukod sa wala naman talaga itong naitutulong sa atin, nakadaragdag pa sila sa ating mga suliranin. Taas ang kamay ng agree rito!

Alam kong ipinu-push ng pamahalaan ang POGO sa bansa, pero ang tanong ko lang naman ay kung truly ba na may tulong ito sa ating ekonomiya? Marami sa kanila ang hindi naman talaga nagbabayad ng buwis at ‘yung mga nagbabayad ay hindi kalakihan ang pakinabang.

Bakit ‘kanyo? Napakaliit lang o nasa .29% lang o P8 bilyon ang kita riyan ng Pilipinas na siyang ipinagmamalaki ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Jusko! Nagkaroon sila ng negosyo at nakapagpasok sila ng trabaho sa maraming Chinese tapos ‘yan lang ang pakinabang sa kanila ng bansa? Tapos wala tayong trabaho na maibigay sa ating mga kababayan? Nakakaloka!

Ang masaklap, kinokorup din diumano ng POGO ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng iba’t ibang schemes tulad na lang ng nalantad na Pastillas Scheme. Tapos, nakadaragdag pa sila sa problema ng peace and order. Jusko!

Parang everyday na lang, may balita ng kidnapping, patayan, pambubugbog at iba pang uri ng krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese na ito. Sa sobrang dami ng krimeng binabantayan at gustong iresolba ng Philippine National Police (PNP), dumaragdag pa sa sakit ng ulo ang mga Chinese na ‘yan!

Kaya kung susumahin natin sa kabuuan, tila hindi sulit ang POGO. Waley na waley tayong pakinabang! Nasasadlak pa sa korupsiyon ang mga ahensiya ng gobyerno!

Kung ganito lang ang naidudulot nito, please lang, Manong Digong, baka naman puwede na nating tsugihin ang mga POGO na ‘yan sa bansa?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page