top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pag-iingat sa COVID-19, da best pa ring panlaban!

  • Korina Sanchez
  • Mar 13, 2020
  • 2 min read

Sa pagsusulat natin ng pitak na ito, umabot na sa 52 ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Karamihan sa mga lungsod, partikular sa Metro Manila ay may positibong kaso ng COVID-19.

Pero ang nakababahala, may iilan sa mga nagpositibo ang hindi bumiyahe o lumabas ng bansa, bagkus ay nakasalamuha lamang ng mga naunang nagpositibo.

Malawak na ang epekto ng COVID-19 sa buong bansa. Kung mapapansin natin ang ilan sa mga post sa social media, ang mga pampubliko o mataong lugar tulad ng mall ay iilan o halos wala nang tao.

Naiintindihan natin ang mga tao dahil sa panahon ngayon, mabuti nang umiwas muna sa mataong lugar.

Gayundin, may mga kumpanyang hinihikayat ang kanilang mga empleyado na magtrabaho na sa kani-kanilang tahanan o ang work from home.

Kaugnay nito, iwasan na muna ang makipagkamay o iba pang skin-to-skin contact. Gumamit ng hand sanitizer sa lahat ng pagkakataon, partikular bago pumasok ng opisina o pagkauwi ng bahay.

Kapag umuubo o bumahing naman, siguraduhing takpan ang bibig at maghugas agad ng mga kamay. At iwasan din ang madalas na paghawak sa mukha.

Sa oras naman ng kainan, sa kani-kanyang istasyon na muna kumain at huwag kung saan maraming tao.

Sa madaling salita, umiwas sa maraming tao na kung maaari ay gawing madalas ang paglilinis ng mga kamay sa pamamagitan ng paghugas o paggamit ng sanitizer.

Ito ang pinakamahalagang panlaban sa virus ngayon, malilinis na mga kamay at huwag kalimutang magsuot ng face mask.

Samantala, inanunsiyo na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkansela ng pasok sa lahat ng antas sa Metro Manila mula Marso 10 hanggang 14.

Mabuti na rin at mas mahirap bantayan ang kalinisan ng mga bata.

Gayundin, marami na ang nagkansela ng mga aktibidad tulad ng Panagbenga Festival sa Baguio, National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at iba pa.

Higit sa lahat ng mga pag-iingat na nabanggit, isa sa mga dapat nating gawin ay palakasin natin ang ating resistensiya.

Sama-sama rin tayong magdasal nang sa gayun ay mabigyan ng talino at kaalaman ang mga scientist at iba pang eksperto upang makaimbento na ng gamot o bakuna para rito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page