Madlang pipol, OA sa pagpa-panic sa COVID-19 dahil sa SOCMED
- Pabs Hernandez III
- Mar 13, 2020
- 2 min read
HINDI OA ANG MGA TAO NOONG MAY SARS DAHIL WALANG FAKE NEWS — Nang manalasa ang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) sa China noong 2002 hanggang 2003, maraming bansa sa Asya, kabilang ang Pilipinas, Europe, Middle East, Africa at pati Amerika, Russia, Australia at Canada ang naapektuhan.
Pero noong panahong ‘yun ay wala pang Facebook at Twitter kaya ang mga tao noon ay hindi OA sa pagpa-panic dahil sa mga mainstream media lang sila nakikibalita tungkol sa virus na ito.
‘Ika nga, dahil wala pa ang mga usong fake news sa Facebook at Twitter ay mistulang walang pakialam ang tao sa mundo sa SARS, period!
◘◘◘
SUNDIN LANG ANG PAYO NG DOH AT WHO, TATALUNIN NATIN ANG COVID-19 — May fake news man o wala ay talagang nakababahala ang COVID-19 dahil marami na ang namamatay sa virus na ito sa buong mundo.
Gayunman, dapat kalma lang ang publiko at sundin lang ang payo ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) sa mga dapat gawin na panlaban sa COVID-19 tulad ng pagpapalakas ng resistensiya, iwasan ang matataong lugar, siguraduhin na palaging maghuhugas ng mga kamay at ugaliin ang pagligo, panatilihing malinis ang kapaligiran at iba pa.
Ganyan din ang ginawa ng tao noon kaya tinalo ang SARS kaya kung susundin natin lahat ang payo ng DOH at WHO, tatalunin din natin ang COVID-19, period!
◘◘◘
SA TAKOT SA VIRUS, PATI PRESINTO, NAGPAIRAL NG ‘NO FACE MASK, NO ENTRY’ — Sobrang nakakanerbiyos na talaga ang mga nababalita tungkol sa Coronavirus Disease.
Kaugnay nito, may inimplementa ngayon sa San Juan City na “no face mask, no entry” bilang pag-iingat sa nasabing sakit.
Kita n’yo naman ang nangyari, pati police station na hingian ng tulong ng mga biktima ng krimen ay nagpairal na ng “no face mask, no entry” dahil sa takot sa COVID-19, boom!





Comments