top of page

Taxi, malls at iba pang negosyo, lugi na sa COVID-19

  • Ka Ambo
  • Mar 12, 2020
  • 2 min read

NATUTULIRO na ang buong mundo sa COVID-19.

Halos 40 percent ng ilang units ng taxi ay nagsitigil na sa pamamasada!

◘◘◘

HINDI na maka-boundary ang mga pobreng taxi drivers dahil sa “Angkas” at nang magdeklara ng state of public health emergency — lalo silang nawalan ng pasahero.

At mas naging grabe nang ikansela ang mga klase sa iskul!

◘◘◘

MATUMAL na rin ang stall at puwesto sa mga mall.

Nalugi na nang todo ang Greenhills area sa San Juan City.

Inaasahan, bangkarote na rin ang ilang malls!

◘◘◘

KAHIT walang lockdown, nagkukusa nang magsarado ang ilang establisimyentong walang kostumer at kliyente.

Malinaw na nararanasan na ang krisis sa ekonomiya!

◘◘◘

DARAMI ang magnanakaw at mandarambong.

Nagsisiuwi na rin sa probinsiya ang ilang pamilya na nawalan ng pagkakakitaan.

Hinihintay lang nila ang “maagang bakasyon sa iskul” bago mag-exodus sa kani-kanyang lalawigan!

◘◘◘

MAHALAGANG maunawaan ng LGUs ang sitwasyon sakaling lumala.

Saan kukuha ng makakain ang mga mawawalan ng trabaho?

◘◘◘

HIGIT sa epekto ng lindol, bagyo, baha o pagputok ng bulkan ang epidemya.

Hindi malinaw kung kailan ito matatapos!

◘◘◘

HINDI simple ang desisyon sa lockdown ng Metro Manila.

Pero, ito ay ipinatupad na sa mauunlad na bansa upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hindi inaabiso ang lockdown, ito ay parang deklarasyon ng Martial Law at kudeta — biglaan ang implementasyon nito!

◘◘◘

BUMAGSAK ang presyo ng petrolyo sa buong daigdig.

Sintomas ito na sarado ang mga pabrika at kakaunti ang bumibiyahe sa kalye sa iba’t ibang bansa!

◘◘◘

HINDI pa mararadaman nang todo ang negatibong epekto ng epidemya.

Ito ang mararamdaman nang matindi sa susunod na 2 o 3 buwan — bandang Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto!

◘◘◘

MARAMI ang nagpa-panic-buying.

Mas marami ang nagpa-panic, pero walang “buying” kasi walang datung.

Puro panic lang sila!

◘◘◘

MABILIS na makahawa ang COVID-19 dahil sa physical contact.

Pwes, ipagbawal na ang paggamit ng “pera”.

Yipeeee!

◘◘◘

KAPAG bawal na ang “aktuwal na salapi”, ano ang ipambibili natin?

Siyempre, laway na lang.

Bawal din ang “laway” kasi magkakalat daw ng virus.

Ano ang dapat gawin na pambili ng produkto?

Mas safe ay “kindat” na lang o ngiti, ngisi, ngiwi o senyas na lang ng mga kamay.

Ayayaay, ang buhay!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page