top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mocha, buti pa ang trabaho ng iba, alam; Sariling posisyon, hindi, kaya sablay palagi

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 12, 2020
  • 2 min read

POGO NG MGA CHINESE, NILINIS; CARDINAL TAGLE, SINIRAAN—Matapos ipagtanggol at linisin ni P-Duterte ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ng mga Chinese kahit nasasangkot sa iba’t ibang krimen tulad ng illegal drugs, prostitusyon, kidnapping, money laundering at iba pa, ay biglang binanatan ng pangulo si Cardinal Antonio Tagle.

Ayon sa pangulo, kaya raw inalis si Cardinal Tagle ni Pope Francis bilang Manila archbishop at itinalaga sa Vatican City ay dahil ginagamit daw nito sa pamumolitika ng dilawan ang pondo ng simbahan.

Sa sinabing ‘yan ni P-Duterte ay tila pinalalabas niyang mas bad si Cardinal Tagle kaysa sa POGO ng mga Chinese, boom!

◘◘◘

NA-PROMOTE SI CARDINAL TAGLE, HINDI NA-DEMOTE—Para sa kaalaman ng publiko, hindi demotion kundi promotion ang pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal Tagle bilang bagong head ng Congregation for the Evangelization of People dahil ang mandato nito ngayon ay hindi lang pang-Pilipinas kundi pambuong mundo na.

Hay naku, imbes na purihin ni P-Duterte si Cardinal Tagle dahil ngayon lang nagkaroon ng Pinoy na head ng Congregation for the Evangelization of People sa Vatican City na magtataguyod ng pananampalatayang Katoliko sa mundo, eh, pinalalabas pa niyang masamang tao ang kardinal ng Pilipinas, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MAS NAKATUTULONG SA MGA PINOY ANG TALENTO NG MGA TAGA-UP KAYSA FAKE NEWS NI MOCHA AT TROPA NIYA—Nagulat ang publiko sa isyung 2,000 coronavirus test kits lang ang meron ang Department of Health (DOH) para sa mahigit 100 milyong Pinoy.

Gayunman, nabuhayan ng loob ang mga mamamayan nang makaimbento ang University of the Philippines (UP) ng COVID-19 test kits na magagamit ng milyun-milyong Pilipino sakaling manalasa nang husto ang deadly virus sa bansa.

Patunay ‘yan na mas kapaki-pakinabang sa mga Pinoy ang talento ng mga taga-UP kaysa talent sa pagpapakalat ng fake news ng grupo ni Mocha na bad ang mga Iskolar ng Bayan, period!

◘◘◘

ALAM NI MOCHA ANG WORK NI OGIE DIAZ KAYA SANA AY ALAM DIN NIYA ANG WORK NIYA SA OWWA—Sabi ni Mocha, ayaw na niyang patulan ang mga banat sa kanya ni Ogie Diaz dahil trabaho raw nito bilang taga-showbiz ang magpakalat ng tsismis.

Alam pala ni Mocha ang work ni Ogie, kaya sana ay alam din niya bilang opisyal ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na lihis sa kanyang mandato ang “trabaho” niyang magpakalat ng fake news, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page