top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dumalo sa fashion week na may 2 Vietnamese na positibo sa COVID-19… Catriona at Dra. Belo, todo-gala

  • Mercy Lejarde
  • Mar 12, 2020
  • 1 min read

Dahil biglang ang bilis ng pagtaas ng bilang ng Coro­navirus Disease cases sa ‘Pinas, may ilang ne­tizens ang naintriga at nagtatanong kung na-quarantine ba o nag-self-quarantine si Miss Universe Catriona Gray na ka­ga­galing lang a few weeks ago sa Italy para sa fashion week nu’ng Feb. 19-25.

May balita kasing nagpositibo sa COVID-19 ang magkapatid na Vietnamese socialite na rumampa rin sa fashion week sa Italy.

Kaya ang tanong, nakasalamuha kaya ni Cat­riona ang nasabing magkapatid?

Kasama ni Catriona sa nasabing fashion week ang sikat na beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo.

Hindi lang kami sure kung nag-self-quarantine nga ang dalawa pagkagaling sa Italy dahil kung pag­babasehan ang kani-kanilang posts sa Instagram a few days ago, ang dami nang pinuntahang events at naka­salamuha nina Catriona at Dra. Belo, ha?!

Well, sana naman ay ‘di nga sila nabiktima ng linsiyak na COVID-19 na ‘yan dahil base naman sa kanilang aura, mukhang healthy at wala namang lagnat o sakit ang da­lawang famous celebs.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page