COVID-19 test kit ng UP, aprub sa FDA

Sa gitna na rin ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, naglabas ngayon ang Food and Disease Administration (FDA) ng certification para sa detection kit ng COVID-19.
Ayon sa FDA, naglabas na sila ng certificate of exemption para sa SARS COV-2 PCR detention kit.
Una nang naka-develop ang mga scientist ng University of the Philippines-National Institute of Health Technology ng detection kit para matukoy ang mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ang nasabing pag-aaral ay pinondohan umano ng Department of Science and Technology (DOST).
Sinabi ng FDA na gagamitin ang nasabing test kit para sa field testing kasama ng gene sequencing sa Philippine Genome Center.
Layon nitong mabigyang- suporta ang code red status ng Department of Health at naging deklarasyong state of public health emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag naman ni FDA Director Eric Domingo, ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay kailangan ng agarang diagnosis at monitoring.
Umaasa si Domingo na sa pamamagitan ng na-develop na test kit na ito ay magkakaroon ang mga laboratoryo sa bansa ng technological reinforcement para matugunan ang lumolobo pang bilang ng mga pasyenteng kailangang masuri kung may COVID-19 na rin.





Comments