Break and Shine, pumuntos sa WTA
- Ding Taboy
- Mar 11, 2020
- 1 min read

Aalagwa ang pitong karera sa Additional One Win in Group Races ng Condition Race, 3YO Maiden Race at Condition Race Merged (10) sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong gabi.
Kasabay nito magaganap ang Winner Take All (WTA), Pick 6, Pick 5 at Pick 4 na bibitiwan ang Trifecta, Quartet at Super Six. Asahan na dudumugin ang benta ngayon sa karera sapagkat magaganap ang magandang laban simula umpisa hanggang matapos ang laban.
Sa Race 1, magsisimula ang WTA at ipinapatok ang Rico Mambo, makakalaban ang Break and Shine. Isama sa Run Algeri Run at Alta’s Pride.
Sa Race 2, umpisa ng Pick 6, nakalalamang ang Kenkenrarabell panegundo ang Arrows Up. Isama sa tersera ang Handsome Jhon. Sa Race 3, magaganap ang Pick 5 at nasa mabuting kamay ang All for Gee, binibigyan ng panalo ang Seni Seviyorus at Oakhill Princess.
Sa Race 4, simula ng Pick 4, pinapaboran ang Hardliner samantalang tatalunin ng King Jeff at isama ang Coube Brian. Sa Race 5, ipinapatok ang Gray Yogurt habang tsamba ang Sunday Surprise at isama ang Rocking Hill.
Sa Race 6, patok ang Viva Morena habang sa forecast piliin ang kalahok na couple entry na Kid Baloloy at Disyembreasais isama ang Runawayfromrosenot. Sa Race 7, nakalalamang ang Be the One habang ang Classic Gee at Constitution ang tatalo.





Comments