Biktima ng COVID-19, lalong darami dahil sa istayl ng DOH
BAKA MAS MARAMING MAPAHAMAK SA COVID-19 SA ‘PINAS—Nagpa-presscon ang Department of Health (DOH) at sinabing may apat na namang panibagong kaso na nagpositibo sa COVID-19, dalawa raw ay Pinoy, isang Taiwanese at isang Kano.
At tulad nang dati, kulang na naman ang detalyeng ipinagkaloob nila sa publiko kasi sa mga ospital (Patient No. 7 sa Makati Medical Center sa Makati City; Patient No. 8 sa St. Luke’s Medical Center-BGC, Taguig City; Patient No. 9 sa The Medical City sa Pasig City at Patient No. 10 sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City) lang na pinagdalhan sa mga ito ang kanilang sinabi at hindi binanggit kung tagasaan ang dalawang Pinoy at kung saang hotel nag-check-in ang dalawang dayuhan na mga panibagong pasyente ng COVID-19.
Dapat kumpletong detalye ang isapubliko ng DOH upang mas makapag-ingat ang publiko. Kung palaging kulang ang impormasyong sinasabi nila sa taumbayan, baka magdulot ito upang lalong maraming mahawa at mapahamak sa deadly virus, period!
◘◘◘
3 MAYORS, JOIN SA DOH SA KULANG-KULANG NA DETALYENG IBINIGAY SA PUBLIKO TUNGKOL SA COVID-19—Magkakasunod na kinumpirma nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, Pasig City Mayor Vico Sotto, Marikina City Mayor Marcy Teodoro na residente sa kanilang nasasakupan ang tatlo sa apat na bagong biktima ng COVID-19 na inihayag ng DOH.
Ang masaklap, nakiki-join ang tatlong mayors sa DOH sa hindi pagbibigay ng kumpletong impormasyon sa publiko. Hindi nila sinabi kung saang barangay sa kanilang nasasakupan nakatira ang mga bagong biktima ng COVID-19, mga buwisit!
◘◘◘
HINDI PALA HANDA ANG DOH SA COVID-19—Sa pagdinig sa Senado ay inamin ng DOH na 2,000 testing kits sa COVID-19 lang daw ang meron sa kanilang tanggapan para sa mahigit 100 milyong Pinoy.
Ganu’n? ‘Yan ba ang sinasabi ng DOH na handa sila sa paglaban sa COVID-19? Mga pwe!
◘◘◘
KUNG MALAPIT LANG ANG PUPUNTAHAN, DAPAT MAGKOTSE NA LANG SI GEN. GAMBOA — Balik-duty na si PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa matapos bumagsak ang chopper na sinakyan niya kasama ang iba pang opisyal ng PNP sa Laguna.
Sana next time, kung malapit lang ang pupuntahan ay magkotse na lang si Gen. Gamboa kasi napakalapit lang ng Laguna sa Crame, tapos nag-chopper pa siya, period!





Comments