Oks na sa kalusugan, may pera pa sa malunggay!
Hanggang ngayon ay bagsak pa rin ang bentahan ng palay sa ating bansa. At knows ba ninyo kung magkano ang presyo nito na nabibili sa ating mga magsasaka? Nakupo, pumapalo lang ito sa P9 hanggang P12 kada kilo!
Kaya naman, mga friendship, kapag ganitong may krisis tayo sa ating agrikultura, maghanap muna tayo ng alternatibong pagkakakitaan bukod sa farm tourism.
Mag-shift muna tayo sa mga palaging bilin ng ating mga lola na itanim at kainin dahil ito ay super masustansiya na walang iba kundi ang malunggay.
Ipalit muna natin ‘yan sa mga itatanim sa mga palayan. Level-up muna tayo sa mga gulay, ibenta na ang moringa!
Gusto ng Japan na mag-import sa atin ng mga pinatuyong dahon ng malunggay dahil nagagamit nila ito para sa oil o langis at iba’t ibang produkto. Pero, since marami pang mga requirements na kailangang kumpletuhin, panlokal muna ang paghandaan natin.
At dahil ayon sa mga eksperto, kumpleto sa protina ang malunggay, nakikita rin natin ito na sagot sa malnutrisyon ng mga bata.
Ang nakakatuwa, willing ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bilhin ang mga malunggay na itatanim ng ating mga magsasaka at pagkatapos, patutuyuin ito tapos ipa-powderize at gagawing sangkap para sa “ready to drink moringa” ng mga batang malnourished!
Bukod d’yan, puwedeng-puwede rin itong isama sa nalalapit nating paglulunsad ng bagong bersiyon ng nutribun. O, ‘di ba, ang bonggabels?!
Nakausap na natin ang Department of Science and Technology (DOST) at willing silang magbigay ng mga equipments para sa pagpa-powderize ng mga pinatuyong dahon ng malunggay. At hindi lang ‘yan, maging ang Department of Trade and Industry (DTI) ay tutulong daw sa packing.
Wow, tingnan mo nga naman… love ko na tuloy ang DTI! He-he-he!
‘Yung mga magsasaka, pansamantalang puwedeng magtanim ng malunggay at ang kababaihan o kabekihan, puwede ring kumita sa pagpapatuyo at pagpa-powderize at packing ng moringa. Kaya go na tayo sa moringa!
Sana ay suportahan natin ito, tumulong tayo sa mga magsasaka, may kumikitang kabuhayan din sa mga ina at beki bukod pa sa sagot ito sa malnutrisyon sa mga bagets. Ganern!





Comments