top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Hahataw sa Linggo 3-yo Maiden Stakes Race

  • Ding Taboy
  • Mar 9, 2020
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Nakatakdang umalagwa sa susunod na Linggo, Marso 15 ang 2020 Philracom 3 Year Old Maiden Stakes Race sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.

Maghaharap ang siyam na kabayo sa nakatakdang distansiyang 1,500 meters sa SLLP.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Beli Bell, Bishop Blue, Carttierruo, Cat’s Magic, Drummer Girl, Laguardia, Sky Commander, Top Czar at Zibarawana.

Nakalaan ang P1.2-M na hahatiin sa unang apat na makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P720,000 na unang premyo ang magiging kampeon, may naghihintay na P270,000 sa 2nd place habang mapupunta ang P150,000 sa 3rd place at tatanggap ng P60,000 ang 4th place.

Tatanggap ng P36,000 ang breeder sa mananalong kabayo. Magdadala ng timbang ang 54-kgs.ang lahat ng lalaki habang may bigat na 52 ang lahat ng kababaihan.

Samantala, sisikad sa susunod na buwan sa Abril 12, ang 2020 Philracom 3 YO Maiden Stakes Race sa Philippine Racing Commission (PRCI) Saddle & Club Leisure Park, Naic, Cavite.

Paglalabanan ng mga kalahok ang naturang premyo na tatakbuhin sa distansiyang 1,600 meters.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page