top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bagsak-presyo ng pamasahe sa eroplano at room rates, malaking tulong sa turismo

  • Nancy Binay
  • Mar 9, 2020
  • 2 min read

Isang magandang taon ang 2019 sa industriya ng turismo ng ating bansa.

Umabot sa P482.15 bilyon ($9.3 bilyon) ang visitor receipts noong nakaraang taon.

Umangat nang 18.8% ang pigurang ito kumpara noong 2018.

Bagama’t hindi ito umabot sa target ng pamahalaan na P564 bilyon, maituturing pa rin itong isang magandang record sa ating bansa.

Naungusan din natin ang target na 8.2 million foreign tourist arrivals noong nakaraang taon. Pumalo sa 8.26 million foreign tourists ang bumisita sa ating bansa noong 2019, angat ng 15.24% sa 7.16 milyon noong 2018.

Ngunit, isang malaking hamon sa atin na panatilihin o lampasan ang lebel na ito ngayong taon dahil na rin sa travel ban na ipinatupad ng ating bansa upang labanan ang banta ng COVID-19.

Inaasahang bababa ang bilang ng mga foreign tourists, partikular na ‘yung mga galing sa China at South Korea. Ang dalawang bansang ito ang may pinakamaraming turista na bumisita noong 2019.

Naglunsad naman ang ating Department of Tourism (DOT) ng programa upang pasiglahin ang ating domestic tourism katuwang ang pribadong sektor. Planong ibaba ang presyo ng airfare at room rates upang mahikayat ang ating mga kababayan na maglakbay at tuklasin ang ganda ng Pilipinas.

Ang ating paglalakbay sa loob ng ating bansa ay malaking tulong na natin sa ating mga kababayang umaasa sa turismo sa kanilang kabuhayan. Nawa’y maging daan ito upang lalo nating tangkilikin ang sariling atin at iangat ang industriya ng turismo ng Pilipinas.

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page