top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-DU30, sasampalin daw si Manny Pangilinan, hanggang banta lang pala

Pabs Hernandez III
Mar 8, 2020
2 min read

PABIDA LANG NI P-DUTERTE NA MANANAMPAL SIYA NG MGA OLIGARCH — Sa galit ni P-Duterte dahil talo raw ang taumbayan sa pinasok na kontrata ng Maynilad ni Manny V. Pangilinan at Manila Water ng mga Ayala sa gobyerno ni ex-P-Fidel V. Ramos ay sinabi nito noon na sasampalin niya ang dalawang oligarchs sa harap ng publiko.

Pero nang magkita sila (P-Duterte at MVP) sa pasinaya ng NLEX-Harbor Link Circumferential Road 3-Road 10 ay wala namang naganap na sampalan at sa halip, nagkamayan (shake hands) sila at magkatabi pa na masayang nag-uusap.

Pabida lang pala ni P-Duterte ang sinabi niya na ipakikita niya sa mga Pinoy kung paano siya manampal ng mga bilyunaryo kasi hindi niya sinampal si MVP, boom!

◘◘◘

MOCHA, SUPALPAL KAY ETHEL — “Mas aksaya pasuweldo sa‘yo!” ‘Yan ang banat ni Ethel Booba kay Mocha Uson bilang resbak sa post nito (Mocha) sa social media na inaksaya lang daw ng Senado ang pera ng bayan sa pagtatanggol sa mga oligarch na ang tinutukoy ni Mocha ay ang pagdinig ng mga senador sa pagkaantala sa renewal ng ABS-CBN franchise.

May punto si Ethel sa tirada niya kasi sinusuwelduhan ng taumbayan si Mocha ng mahigit P150K kada buwan, tapos ang inaatupag ay fake news at panawagang ABS-CBN shutdown nalihis sa kanyang mandato bilang deputy administrator ng OWWA, boom!

◘◘◘

DAPAT POGO ANG I-SHUTDOWN, HINDI ANG ABS-CBN — Matapos mabulgar na hindi naman nag-empleyo ng mga Pinoy ang mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) gambling lord dahil kapwa Chinese lang nila ang kinukuha nilang magtrabaho sa mga negosyo nilang ito sa Pilipinas, imbes na “POGO shutdown”, eh, ang patuloy na panawagan ng mga DDS blogger sa pamumuno ni Mocha ay “ABS-CBN shutdown”.

Patunay ‘yan na ang mga DDS blogger ay pro-Chinese kasi ayaw nilang mawalan ng trabaho ang mga Chinese at sila ay anti-Pinoy kasi gusto nilang mawalan ng trabaho ang libu-libong manggagawang Pinoy ng ABS-CBN, period!

◘◘◘

MGA CHINESE AT PINOY GAMBLING LORD , BALATUBA SA PAGBABAYAD NG TAX — Matapos ibulgar ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na higit P50 bilyon ang hindi binayarang buwis ng mga Chinese POGO gambling lord last year (2019) ay ibinulgar din ng BIR na higit P1.3 bilyon ang hindi pa nababayarang tax sa gobyerno ng pasugalan din na Manila Cockers Club.

Ganyan kabalatuba sa pagbabayad ng tax ang mga Chinese at Pinoy gambling lord, mga buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page