Dikdikan ang laban sa Philracom-RBHS Race

Hahataw ngayong hapon ang Philracom Rating Based Handicap System Race sa 12 karerang bibitawan sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas. Kasabay nito aalagwa rin ang Condition Race, 3 Year Old Above Maiden Race at condition Race Merged at Class 4 Merged.
Sa karera ay magaganap ang tatlong Winner Take All (WTA), tatlong Pick 5, dalawang Pick 6 at isang Pick 4 event kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 1, umpisa ng 1st WTA at magpapanagpo ang 3 YO & Above Maiden Race at paglalabanan ng anim na kalahok na ang nakalalamang ang Dream Dream Dream at makakalaban ang Security Supreme at City by Storm.
Sa Race 2, umpisa ng 1st Pick 5 at magkakalaban ang All For Mama, Rosario Princess, Taranasakalyos at Nasayona Ang lahat Ng CR (22). Sa Race 3, simula ng 1st Pick 6 nakalalamang ang Harapin Mo habang makakalaban ang Cinco del Drinco at Mini Model sa unang tagpo ng Philracom RBHS.
Sa Race 4, ng 2nd WTA nakalalamang ang Good Reason at makakalaban ang Bunso at Cambari Island sa 3YO & Above Maiden Race. Sa Race 5 ng 2nd Pick 5 ipinapatok ang Kid Kenshin at magiging banta ang couple entry na Fire Bull at Bispag at isama ang couple entry na Palace in the Sky at Nabighani.
Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang Damong Ligaw, Tanforan ang tatalo muling subukan ang Laughing Tiger sa magaganap na 3rd WTA. Sa Race 7, ipinapatok ang A Song for Gee at makakalaban ang couple entry na Dangerous Wille at Princess Miyomi, Tatak Primero at Fly Like An Eagle.
Sa Race 8, nakalalamang ang Top Attraction habang ang Security Pass ang tatalo sa simula ng 3rd Pick 5. Sa Race 9, ipinapatok ang Mark of Excellence habang ang Beacon Street isama ang Lakan Takhan Kapayapaan sa Trifecta at Quartet at isama sa Pentafecta at Super Six ang Noble Run at Gintong Lawin.
Sa Race 10, puwedeng piliin ang tatalong kalahok na Apo, It’s A Deal at Oak Hill at puwedeng pumili sa Keen Alisha habang ang Break Free at Jersy Jewel ay may tsamba sa Race 11.
Sa Race 12, balikatan ang magiging laban ng Miss Rosario at Count Me In habang magbibigay ng magandang laban ang momentum.





Comments