top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ayaw magpautang, pinatay

Paul Lamsen
Mar 8, 2020
1 min read

Isang ginang ang pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki, kamakalawa ng tanghali sa Sta. Barbarra, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Sheryl Agusan, nasa hustong edad, may asawa, naninirahan din sa nasabing lugar.

Nagtitinda ang biktima sa restoran nang dumating ang mga suspek at um-order ng ulam at kanin.

Matapos kumain, tinawag ang ginang at walang sabi-sabing binaril ng dalawang beses sa ulo bago nagsitakas sakay ng motorsiklo.

Nabatid na may nakaalitan ang ginang noong nakaraang araw na umuutang at hindi binigyan.

Pinaghahanap na ngayon ng mga pulis ang mga salarin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page