top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ibinuking ng friend na si Joross… Kasalang Kathryn at Daniel, malapit na?

Janice DS Navida
Mar 7, 2020
2 min read

Pagkatapos ng secret wedding nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, next na nga bang ikakasal ang sikat na KathNiel love team na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Nabulabog ang ilang fans ng KathNiel dahil sa naging sagot ni Joross Gamboa (kaibigan nina Kathryn at Daniel) sa isang interview kung saan natanong ang aktor kung sa tingin niya ba ay sa altar na hahantong ang relasyon ng reel and real-life sweethearts.

Ang sagot ni Joross, “Oo naman. Sila talaga, malapit na. Ewan ko, joke lang. Pero wala pa akong balita. Pero why not, ‘di ba? KathNiel tayo.”

Well, tiyak na ikatutuwa ‘yan ng KathNiel fans kung totoo. Pero nasabi na nga rin nina Daniel at Kathryn sa ilang interviews na sa ngayon, career pa ang priority nila at hindi pa pagpapamilya, kaya siguro, mga ilang taon pa bago sila magpakasal.

And maybe… and hopefully, ‘di naman secret wedding ‘yun dahil tanggap naman ng both sides nila ang kanilang relasyon.

****

And speaking of relationship, seven years na rin pala together sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Nakausap namin si Vin sa contract signing niya bilang newest endorser ng Hanford underwear na first endorsement ever ng younger brother ni Aljur Abrenica in 7 yrs. niya sa showbiz kaya tuwang-tuwa siya.

Tinanong namin ang reaksiyon ni Sophie ngayong makikita na si Vin sa mga billboard sa EDSA habang naka-Hanford brief. Okay lang ba sa GF niya na pagpantasyahan siya ng mga girls and gays?

Natatawang sabi ni Vin, supportive naman sa kanya si Sophie at hindi raw ito selosa. Pagdating sa career, pareho silang supportive sa isa’t isa.

Pero kahit 7 yrs. na raw ang relasyon nila at napag-uusapan na rin ang kasal, wala pa raw definite plans.

Nilinaw din ni Vin na hindi sila magka-live-in ni Sophie, taliwas sa mga blind items na magkasama na sila sa bahay. Mas gusto pa rin daw nila ‘yung kasal muna dahil may pagka-traditional and conservative raw ang pamilya ni Vin.

Pero pagdating sa pagpo-pose niya nang naka-brief nga sa billboard, okay lang naman daw ito sa pamilya at GF ni Vin dahil endorsement naman ito at walang malisya.

Samantala, happy kami for Vin na masarap at masayang kausap dahil finally, nagkaroon na nga siya ng first endorsement at Hanford pa kung saan pinalitan niya si Mikael Daez.

At take note ang mga aktor na unang nag-endorse ng Hanford — Cesar Montano, Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Carlos Agassi, Mikael Daez at marami pang iba.

So, ibig sabihin, in na si Vin, ha?!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page