top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Franchise permit para sa ABS-CBN, kinuwestiyon sa SC.. Resbak ng Consumer Group: Gadon, epal!

Gina Pleñago
Mar 7, 2020
1 min read

Binanatan ng isang consumer group ang hirit ng abogadong si Larry Gadon sa Korte Suprema na hadlangan ang pagpapahaba ng franchise permit ng ABS-CBN Corp., hanggang 2022 na magmumula sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon kay Louie Montemar, convenor ng Bantay Konsumer, Kuryente, Kalsada (BK3), maagang nagpapahiwatig si Gadon na tatakbong muli sa pagka-senador dahil panay papogi sa media sa mga nakalipas na buwan.

Ani Montemar, ang House Committee on Legislative franchises ay tumanggi na sa mga panawagan na suspendihin ang mga pagdinig nito sa aplikasyon ng pag-renew ng franchise ng ABS-CBN upang maalis ang paglutas ng petisyon ng quo warranto sa SC.

Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, ipagpapatuloy nila ang paglilitis sa 11 panukala na naghahanap ng pag-renew ng 25-taong franchise ng network kahit na ang petisyon na isinampa ni Solicitor General Jose Calida ay nananatiling nakabimbin sa korte.

Kung may reklamo ang isang indibidwal o grupo ay dapat umano itong ihain sa Kongreso at hindi sa anumang korte.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page