COVID-19 para ‘di lalong kumalat.. Pera, sinusunog sa South Korea

Kaugnay ng dumaraming kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa South Korea, nagpasya ang kanilang central bank na sunugin o i-quarantine nang dalawang linggo ang kanilang pera para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Sa ulat ng Reuters, sinabi ng Bank of Korea (BOK) na pinaiinitan nila nang matindi ang mga pera bago ibalik sa sirkulasyon.
Napag-alaman na nasa 6,284 na ang kaso ng COVID-19 sa South Korea.
Karaniwang proseso umano ng BOK na painitin ang mga pera ng 150 degrees Celsius sa loob ng dalawa hanggang tatlong segundo at pananatilihin sa 42 degrees bago gawin ang packaging sa mga ito. Sa ganitong paraan, nalilinis na umano ang pera.
Hinigpitan na rin umano ang proseso sa pagsunog ng maruruming pera na nakokolekta sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bansa.





Comments