top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BIR, ala-Immigration, may Pastillas Scheme rin sa mga Chinese POGO workers

Pabs Hernandez III
Mar 7, 2020
2 min read

HINDI LANG SA IMMIGRATION MAY “PASTILLAS SCHEME” KUNDI PATI SA BIR—Sa pagdinig sa Senado ay nabulgar na pare-pareho ang numero ng TIN (Tax Identification Number) na ipinagkaloob ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa 4,000 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) Chinese workers.

Kung ganu’n, hindi lang pala sa Bureau of Immigration (BI) may “Pastillas Scheme” sa mga POGO Chinese workers, dahil meron na rin palang ganitong raket sa BIR, mga buwisit!

****

ASAR-TALO NA NAMAN ANG DILAWAN SA RATING NG ADMINISTRASYONG DUTERTE — Sa inilabas na latest survey ng SWS sa huling quarter ng 2019 ay pumalo sa 73% ang satisfaction rating ng administrasyong Duterte.

Dahil d’yan ay asar-talo na naman ang dilawan kasi sa kabila ng kaliwa’t kanang atake nila kay P-Duterte ay hataw pa rin ang ibinigay na marka ng publiko sa gobyernong Duterte, boom!

****

ANG LUPIT NI HEPE, DALAWANG PRESO ‘INAASAWA’ SA PRESINTO—Huli sa akto ng tropa ni Col. Ronald Lee, hepe ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) si Maj. Ildefonso Miranda, hepe ng Argao Police Station sa Cebu na natutulog sa opisina nito sa presinto na may katabing dalawang presong bebot na kapwa may kasong pagtutulak ng ilegal na droga.

Napakasalbahe namang hepe nitong si Maj. Miranda. Mantakin ninyo, dalawang presong bebot pa ang “inaasawa” nito sa kanyang opisina, buwisit!

****

KUNG MISIS NI HEPE ANG NAKAHULI SA KANYA, SIGURADONG BUGBOG-SARADO SIYA—Masuwerte pa rin itong si Maj. Miranda dahil posas lang ang inabot niya sa tropa ng PNP-IMEG nang mahuli siyang may katabi sa pagtulog na dalawang seksing presong bebot sa kanyang opisina sa Argao Police Station.

Kung nagkataong misis niya ang nakatiyempo, nakupo, malamang bugbog-sarado ang inabot niya sa kanyang esmi, ha-ha-ha!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page