top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Supplier ng droga ng mga estudyante, arestado

  • Mylene Alfonso
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team, ang isang lalaki na sinasabing supplier ng marijuana ng mga estudyante kamakalawa ng gabi sa Tondo, Manila.

Kinilala ni SMaRT Chief PMajor Rosalino Ibay, Jr., ang suspek na si John Aaron Rabang, 18, binata, residente ng Tondo, na naaresto sa buy-bust operation.

Ang pag-aresto sa suspek ay kasunod ng unang pag-aresto sa 16-anyos na high school student na nahulihan ng marijuana ng security guard ng isang paaralan.

Nabatid kay Ibay na madalas na umanong nahuhulihan ng marijuana ang menor-de-edad sa kanilang campus kaya nakipag-ugnayan na ang pamunuan ng paaralan sa tanggapan ng SMaRT.

Agad namang isinagawa ang buy-bust operation sa pamamagitan ng estudyante na nakipagtransaksiyon sa suspek para makabili ng marijuana.

Nang maaresto si Rabang, inginuso nito ang mag-asawang sina Reeve Ross Manuel alyas Kirks, 25, at Princess Mary Matuginas, 20, na kapwa nakatira sa Tondo, na umano’y pinagkukunan niya ng marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page