top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pilipinas vs. Greece: Hahampas sa Davis Cup

A. Servinio
Mar 6, 2020
1 min read

Nabunot si AJ Lim ng Pilipinas upang harapin si World Number Six Stefanos Tsitsipas ng Gresya sa pagbubukas ng kanilang 2020 Davis Cup World Group II Playoffs ngayong Biyernes simula 10:00 a.m. sa Philippine Columbian Association (PCA) Tennis Courts sa Paco, Maynila.

Malaking hamon ito para kay Lim na makalaro ang isa sa mga umuusbong na bituin ng tennis sa daigdig subalit umaasa siya at ang buong pambansang koponan na magiging malaking tulong ang maglaro sa harap ng mga kababayan.

Susundan ito ng pangalawang singles sa pagitan nina Jeson Patrombon, ang may pinakamataas na ranggo sa mga Pinoy netters na numero 1,417, kontra kay Petros Tsitsipas. Ang nakababatang kapatid ni Stefanos ay may ATP Rank na numero 1,163.

Kung sobrang paborito si Stefanos laban kay Lim, malaki ang pag-asa na magulat ng mas beteranong si Patrombon si Petros na 19-anyos pa lamang. Kailangang maka-isa ang Pilipinas sa singles pagpasok ng ikalawang araw ng aksyon sa Sabado kung saan gaganapin ang mahalagang doubles at kung kakailanganin, ang dalawa pang singles.

Itinalaga ni kapitan Chris Cuatro ng Pilipinas sina Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzalez laban kay Markos Kalovelonis at Petros Tsitsipas.

Masasabing lamang ang mga Pinoy dahil mas mataas ang ATP Rank sa doubles nina Gonzalez (#227) at Alcantara (#535) kung ihahambing kay Kalovelonis (#506) at Tsitsipas (#1,074).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page