Carry over sa WTA P551,948.77
- Ding Taboy
- Mar 6, 2020
- 1 min read

Asahan na babaha sa benta ang Winner Take All (WTA) dahil sa dala nitong carry over na P551,948.77 ngayong gabi sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Kasabay nito magaganap ang Additional One Win in Group Races sa gitna nang Condition Race at Group Race sa pitong karera sa nasabing karerahan.
Samantala, magaganap din ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4 at Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Sa Race 1 ang WTA at binibigyan ng magandang laban ang Constitution Couple entry na Chocolate Thunder at Princess Michaela at Himpapawid.
Sa Race 2, umpisa ng Pick 6, nakalalamang ang Beyond D’ Sea at posibleng talunin ng Big Boy Vito at couple entry na HumuHumunukunuku at Hard Work Classic.
Sa Race 3, magsisimula ang Pick 5 at nakalalamang ang Lady of Peace makakalaban ang Love Affair at Rainbow Peak. Sa Race 4, kung saan mag-uumpisa ang Pick 4 ay binibigyan ng panalo ang Sunday Surprise, makakalaban ang Puso sa Paraiso at Smart Tyler, isama ang Rocking Hill sa quartet.
Sa Race 5, magtatagisan ng galing ang Viva Forever, Easy Landing at Big Boss James at isama sa quartet ang Expecto Patronum. Sa Race 6, binibigyan ng malaking panalo ang Minotaur at posibleng maging kalaban ang Sydney Boy at Seni Seviyorum.
Sa Race 7, ipinapatok ang The Best Ever habang makakalaban ang Magic Carpet Ride, Runzaprun at Zapima na isama sa Quartet, Pentafecta at Super Six ang Lourdes Drive, Batang Poblacion at Pabulong. WTA=2-4-5/10-8-1/3/3-6/2-5/2-7/11; Pick 6= 10-8-1/3/3-6/2-5/2-7/11; Pick 5= 3/3-6/2-5/2-7/11; Pick 4= 3-6/2-5/2-7/11





Comments