Bilyones na utang ng mga power firms, Rep. Allan Velasco, tameme!
- Ka Ambo
- Mar 6, 2020
- 2 min read
Dedma lang ang gobyerno sa bilyun-bilyong utang ng mga power firms. Bakit kaya walang paramdam si House Committee on Energy Chairman Rep. Lord Allan Velasco sa isyung ito? *** DAPAT ipahayag ni Rep. Velasco na nakahanda siyang makiisa sa House committee on Public Accounts and Public Accountability at maging sa House Committee on Good Government sa isasagawang pagdinig. Ipopokus ang deliberasyon sa inquiry sa P95 bilyong utang ng mga power firms sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM)! *** AYON kay House Committee on Public Accounts and Accountability Chairman at Anakalusugan Rep. Mike Defensor, bukas ang kanilang komite ni Bulacan Rep. Jonathan Alvarado na House Committee on Good Government para sa komite ni Rep. Velasco kung nais nitong tumulong sa imbestigasyon. Nakaiskedyul ngayong Marso 10 ang ikatlong hearing ngunit wala namang pasabi pa ang kampo ni Rep. Velasco! *** NILINAW ni Defensor na wala namang masama kung tatlong committees ang mag-iimbestiga. Mahalaga ay makasingil ang gobyerno sa bilyong utang ng mga power firms! *** IPINAGMALAKI ni Rep. Defensor na bilang resulta ng dalawang beses na pagdinig na ginawa ng kanilang komite ni Alvarado ay nangako ang mga power producers na magbabayad ng utang maliban sa South Premier Power Corporation (SPPC) na may P24 bilyong utang. Ang SPPC ay pagmamay-ari ng San Miguel Corporation (SMC)! *** ANG SMC naman ay pagmamay-ari ni Ramon Ang na siyang itinuturong “ninong” ni Velasco. Kinastigo mismo ni House Speaker Alan Peter Cayetano si Velasco sa kawalang aksiyon sa multi-bilyong utang ng mga power firms! *** NAGTATAKA si Cayetano kung bakit nais ni Velasco na manatili bilang chairman ng House Committee on Energy, ang puwesto na kanyang inokupahan mula noong 2016. Patutsada ni Cayetano: “I offered him the position of senior deputy speaker, I offered him na everyday kasama siya sa lahat, pero ayaw niya, ang gusto niya ay Energy chairmanship. Tapos ngayon, nagrereklamo sila (Velasco camp), bakit ang Committee on Public Account at Committee on Good Government ang nag-iimbestiga ng daang-daang bilyong utang ng mga power producers sa PSALM?” *** SI Velasco na kilalang malapit kay Ramon Ang ay kasama sa Top 100 stockholders ng San Miguel at Petron na mga pagmamay-ari ni Ang. Bistado na malapit ang pamilya ni Velasco sa bossing ng SMC. He-he-he! *** KUNG ang iba umanong power firms ay nangakong magbabayad ng utang ay nakapagtatakang hindi masunod ito ng SPPC. Ano kaya ang koneksiyon nila sa Malacañang?





Comments