top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

150 pamilya nasunugan

  • Maeng Santos
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Tatlo katao, kabilang ang isang fire volunteer ang sugatan habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, alas-3:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa bahay ng isang Lita Quitlong sa Letre, Bgy. Tonsuya, na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Napaulat na wala si Quitlong sa kanyang bahay nang sumiklab ang hindi pa matukoy na pinagmulan ng apoy.

Agad na iniakyat ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang under control alas-4:57 ng madaling-araw bago tuluyang naapula alas-6:02 ng umaga kung saan tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

Dalawang residente ang napaulat na nagtamo ng mga sugat at 2nd degree burns sa katawan habang dumanas naman ng heat exhaustion ang isang fire volunteer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page