top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

14 yrs. old nilasing, ni-rape ng 17-anyos

  • Maeng Santos
  • Mar 6, 2020
  • 1 min read

Nilasing muna bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo ang isang 14-anyos na dalagita sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nadakip na ng mga barangay tanod ang suspek na itinago sa pangalang ‘Allan’, ng Bgy. Hulong Duhat, makaraang makapaghain ng reklamo ang biktimang si alyas Pia, out-of-school-youth, ng Meycauayan, Bulacan.

Sa nakarating na ulat sa tanggapan ni Malabon Police Chief P.Col. Jessie Tamayao, niyaya ang biktima ng kanyang mga kaibigang lalaki sa isang bahay sa Bgy. Hulong Duhat at doon puwersahan umano siyang pinainom ng alak.

Nang maubos umano ang isang bote ng alak, nakaramdam na ng pagkalasing ang dalagita hanggang sa niyaya siya ng suspek na magtungo sa comfort room at doon pinagsamantalahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page