top of page
Pokwang.jpg

Super six carry over P12,501.99

Ding Taboy
Mar 5, 2020
1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayon ang anim na karera kasabay ng carry over ng super six na halagang P12,501.99 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Samantala, magaganap ngayong gabi ang Additional One Win I Group Races sa anim na karerang magaganap na magsisimula ng ala-6:45 ng gabi.

Walang magaganap na Winner Take All (WTA) subalit nagpapatuloy ang Pick 6, Pick 5 at Pick 4.

Asahan na dudumugin ang benta ng Super Six dahil sa mangyayaring carry over sa Race 6, kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Sa Race 1 na magsisimula ang Pick 6 at magaganap ang Group Race (18) nakalalamang ang Probinsiyano at ang Agi Daw.

Sa Race 2, umpisa ng Pick 5, pinapaboran ang Radio Gaga habang ang Money Dance ang siyang tatalo.

Sa Race 3, maglalaban ang mga kalahok na Suping, Dimakya Island, Weekend Bash at April Fifteen. Kasabay nito magaganap ang Pick 4 at gagawing Trifecta, Quartet at Pentafecta.

Sa Race 4, maghaharap ang 3 YO & Above Maiden Race nakalalamang ang Ivana Mayroleks habang Sekretong Malupit ang makakalaban nang mahigpit.

Sa Race 5, ipinapatok ang Jun Tailor habang makakalaban ang December Eighteen at Ace Up.

Sa Race 6, ipinapatok ang Isla De Zap at makakalaban ang My Expensive Toys at Lady Arya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page