top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pulis-Maynila, atras tokhangin ang mga 'Ninong' daw ni Yorme na gambling lords

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 5, 2020
  • 2 min read

MGA SUNDALO, PULIS AT NAIA PERSONNEL, SABIT SA DOLLAR SMUGGLING—Ibinulgar ni Customs Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero na may mga escorts daw na mga sundalo, pulis at airport personnel ang mga Chinese Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) owners kapag nag-i-smuggle ng sangkaterbang dolyares sa bansa.

Kung totoo ito, sobrang lakas pala sa gobyerno ng mga Chinese POGO owners kasi may escort pa silang mga sundalo, pulis at NAIA personnel kapag nag-i-smuggle sila ng dolyares sa ‘Pinas, buwisit!

****

BASTA TAGA-DAVAO CITY, EXEMPTED SA ONE STRIKE POLICY? —Nang hulihin ng tropa ni PNP-CIDG-Anti-Organized Crime Chief Col. Jay Dimaandal ang mga nagpapa-jueteng sa Tagaytay City at Alfonso, Cavite ay isang jueteng lord na si alyas Carling ang lumutang at ipinangalandakan na kamag-anak daw niya si PNP-Region 4-A Commander Gen. Vicente Danao, Jr..

Kahit itinanggi ni Gen. Danao na kamag-anak niya si “Carling”, ang dapat ginawa ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa ay sinibak niya ito (Danao) sa puwesto kasi may direktiba na siya laban sa jueteng, may one strike policy pa siya.

Dahil walang naganap na sibakan, lumalabas tuloy na basta taga-Davao City na tulad ni Gen. Danao, exempted sa one strike policy, boom!

****

GEN. BALBA AT MAJ. ANDULAN, TIKLOP SA RAKET NG DALAWANG NAGPAPAKILALANG “NINONG” NI YORME ISKO SA MAYNILA—Hanggang ngayon ay walang aksiyon sina Manila Police District (MPD) Commander Gen. Bernabe Balba at Manila-CIDG Chief Maj. Bryan Andulan laban sa raket na bookies ni “Boy Abang” at lotteng ni “Don Ramon”, kapwa gambling lords sa Maynila na nagpapakilalang “ninong” ni Yorme Isko Moreno.

Marahil, totoo ang tsismis na “nongni” ni Yorme Isko Moreno sina “Boy Abang” at “Don Ramon” kaya takot sina Gen. Balba at Maj. Andulan na i-”tokhang” ang dalawang gambling lords na ito, period!

****

KUNG HINDI KAYA NINA GEN. BALBA AT MAJ. ANDULAN, BAKA SI COL. DIMAANDAL ANG MAY KAKAYAHANG DAKPIN ANG DALAWANG “LORDS” NG MAYNILA—Maraming pulis ang humanga kay CIDG-Anti-Organized Crime Chief Col. Jay Dimaandal nang pangunahan nito ang pag-aresto sa mga nagpapa-jueteng sa Cavite kahit alam niyang nasa ilalim ito ng jurisdiction ni Gen. Danao na taga-Davao City.

Dahil “nganga” lang sina MPD Chief Gen. Balba at Manila-CIDG Chief Maj. Andulan sa raket nina “Boy Abang” at “Don Ramon”, tingnan natin kung kaya ring dakpin ng tropa ni Col. Dimaandal ang dalawang tigasing gambling lords na ito sa Maynila, abangan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page