P13.6-M shabu, buking sa tea bag
- Janice Baricuatro
- Mar 5, 2020
- 1 min read

Tinatayang mahigit sa P13 milyong halaga ng shabu ang narekober sa pagkakaaresto sa dalawang tulak sa Dasmariñas City, Cavite.
Kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 Article II ng RA 9165 ang isinampa laban sa naarestong supek na sina Junior Sakitan Utto at Misreeu Suraik Utto
Alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng high impact operation ang PDEA-RO NCR Manila District Office; PDEA RO IV-A, PDEA RO IX at mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor City Police
Station sa Molino Boulevard cor. Molino Road, Bgy. Molino 3, Bacoor City,
Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa kanilang pag-iingat ang dalawang Chinese teabags na naglalaman ng 2 kilogram ng hinihinalang shabu na may street value na P13.6 milyon at buy-bust money.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa PDEA Custodial Center sa Cavite.





Comments