Hinanap sa van niya ang nawawalang t-shirt ng anak… Ai Ai, nilayuan si Sarah dahil kay Mommy Divine
- Nitz Miralles
- Mar 5, 2020
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Matagal nang nangyari, pero natatawa pa rin si Ai Ai delas Alas kapag naaalala na hinanap ni Mommy Divine sa kanyang van ang nawawalang Bossini t-shirt ni Sarah Geronimo. Wala na siya sa taping that time dahil nagsimba siya sa Baclaran kaya ang ate niya ang hinarap ni Mommy Divine at hinanap nga ang t-shirt ni Sarah.
‘Katuwa ang mga comments dahil hindi naman masyadong expensive ang nawalang t-shirt pero ganu’n pa rin mag-react si Mommy Divine. Lalo na siguro kung super branded pa!
Hindi na nabanggit ni Ai Ai kung paano nagtapos ang paghahanap ni Mommy Divine sa t-shirt ni Sarah, pero ang resulta, lumipat na lang siya ng dressing room. Hindi na siya nag-stay sa dressing room kung saan naka-assign si Sarah.
Speaking of Ai Ai, ibinalita nitong papasok na sa showbiz ang anak niyang si Sophia delas Alas at marami na sa showbiz friends niya ang nag-good luck at nangako ng suporta sa bagets.
Si Valeen Montenegro nga, nagprisintang maging manager ni Sophia. Samantala, how true na papasok si Ai Ai sa All-Out Sundays this March? In fairness, bagay siya sa concept ng show at lalong sasaya ang comedy skit segment nito ‘pag kasama siya. Bukod pa ito sa gagawin niyang rom-com series sa GMA-7 na Owe My Love.





Comments